Lotto

10:49 PM

(9) Comments


Hey yo wassup dawg, wassup!

It's been a while since I blogged about something so naisipan ko lang magupdate para sa mga fans ko *cue sigawan ng mga fans*.

The invitation.

Last week inaya ako ng officemate kong tumaya sa Lotto, wala lang, just for fun, so we'll have something to look forward to every weekend awwww!

E kilala nyo naman ako sushal, syempre pumayag ako. So ayun nung Friday tumaya kami, to be drawn on the same day 7PM.

The numbers.

Pukingina! Anghirap pala mamili ng numbers! Ano kasi yun e, pipili ka ng pitong numbers from 1-77, tpos bubunot sila ng eleben, sa eleben na un pag nakuha mo ung pito panalo ka. The! :))

E bale lima tinaya namin para saktong 10usd. Yung kasama ko puta reding redi, habang nasa koche kami kinukwento nya sakin kung panu nya napili ung mga numbers nya, gumamit pa daw sya ng Excel, tapos meron dung random chuva, magbigay ka lang ng range tapos un na pipili ng numbers. Tangina ginamitan daw nya ng statistics at laws of probability ung numbers nya.

Syempre hindi ako papatalo, ako pa! Gusto ko sana ipagyabang kung panu ko nakuha yung numbers ko, kung panung ginamitan ko ng siyentipikong pamamaraan ang pamimili ko ng numbers, pero shet, nung mga panahong un wala pa akong numbers pwe!

So ayun na, nung nasa booth na kami, naisip ko: puta madali lang to, seben numbers, payb tikets, so tertipab numbers lahat lahat.



Nung una ayos lang, kung anuanu lang, birthday ko ng ate ko ng ermats ko ng erpats ko, pin# ko sa atm, SS# ko, address ko. Tertipayb numbers, puta nangangalahati palang naubusan nako ng pagbabasihan!

Ayun, nanghula nalang ako: ay parang ang konti lang sa linyang to, ay parang wala pakong 40s, parang angkonti ng 20s, ay dagdagan ko d2 sa hilerang to. O tangina, kala siguro nila ndi ako sanay manghula sa exams nung college, ohaoha!

The jackpot.

Hindi ko pala nasabi sanyo kung magkano ung jackpot anu? Uhm, actually nung tumaya ako hindi ko alam kung magkano ung jackpot. Pero usually naman at least 1 million ung mga jackpots e db? Nung mga panahong un iniisip ko mga 20+ million cguro. Pero pucha sabi ko nga sa kasama ko kahit isang milyon lang mapanalunan ko masaya nako e.

So ayun, for the sake ng blog nato, tinignan ko kung magkano ung jackpot. Pukingina anliit lang pala, 4.7M. Oo alam ko sinabi ko kahit isang milyon lang magiging masaya nako, pero tangina, 4.7 million lang??

The results.

Iniisip ko, pag nanalo ako puta ano kayang bibilin ko? Alam ko na! Bibilin ko ang Blogger! Tapos gagawing kong free ang blogger. Alam ko alam ko, free naman talaga ang blogger ha? Well, I'll make it even more free. Wag kana marami pang satsat dyan, you're welcome.

Ito nga pala ung numbers ko, kita nyo naman, numbers palang mukang sushal na, mukang matagal talagang pinagnilaynilayan, ohaoha:



Ticket1: 05 10 27 37 41 50 60
Ticket2: 19 25 37 39 49 52 58
Ticket3: 12 19 24 26 41 44 62
Ticket4: 17 23 32 46 49 51 59
Ticket5: 06 17 25 31 36 47 61

Ito naman ung winning numbers:

09 18 30 33 35 36 48 55 66 67 74

PU

KING

I

NA!

Akalain mong sa tertipayb numbers ko, out of eleven winning numbers, isa lang nadale ko!

Hindi ko naman balak seryosohin tong Lotto, pero tangina naman, bat naman ganun!

Nextweek tataya ulit ako. Same numbers. Maiisahan ko din sila :D:D:D

Bong The Third

, , ,