Bastos na Syota

8:44 PM

(2) Comments


Meron akong barkada, na itatago nalang natin sa pangalang Tagpi, kapag naguusap kami sa YM wala kaming ibang topic kundi tungkol sa camera. Okay okay minsan naguusap din kami tungkol sa PSP, iPhone, iTouch, pero 95% ng usapan namin tungkol sa camera.

Madalas pinaguusapan namin yung mga bagong camera body, kung anung magandang lens, kung anung tripod, pati ibat ibang accesories tulad ng bag, LensPen, converter, extender, filter, external flash, at kung anuanu pa.

Masusi naming kinikilatis at pinagkukumpara yung mga lenses ng ibat ibang manufacturers, lenses ng Canon, Nikon, at mga 3rd party tulad ng Sigma, Tamron, at Tokina. Basta yung mga advantages at disadvantages, mga conveniences at compromises, pati ung mga so-so features ng mga bagong gear inaanalyze talaga namin.

Pukingina kung magusap kami parang ang galing galing namin samantalang pareho naman kaming bugok pagdating sa pagpipicture.

Ang haba ng introduction ko samantalang sasabihin ko lang naman na kanina magkachat nanaman kami. As usual sabay nanaman kaming nag-day dream tungkol sa mga gusto naming gamit. Pinagusapan nanaman namin yung dream lens lineup namin..

SexyBeast: pare alam ko na kung anung lens ang gusto ko, tignan mo to! CLICK
Tagpi: maganda nga yan, kayang kaya mo yan madami kana pera e
SexyBeast: tarantado wala akong pambili nyan
Tagpi: ito nalang bilin mo bong! CLICK
SexyBeast: pukingina sobrang mahal! eto tignan mo! CLICK
Tagpi: ukinam! parang baril! hahaha..basta ako ok nako sa lineup ko, tapos bibili ako ng Canon o kaya Sigma 24-70mm f2.8 tsaka isang telephoto solb nako nun
SexyBeast: ahh oo, ako din gusto ko din nyang 24-70mm, isang supertelephoto, tsaka bastos na syota solb na din ako nun
Tagpi: tangina mo! hahahah

Add mko sa YM dali! Hihihihihi.

Bong The Third

, , , ,

Flickr

12:10 PM

(0) Comments

This is a test post from flickr, a fancy photo sharing thing.

Bong The Third

Amazon Kindle 2

7:27 PM

(11) Comments


Seryoso usually hindi ko ginagawa to, pero dala na din ng pangangailangan e kakapalan ko na muka ko, kapit sa patalim kumbaga. Kapit sa patalim, ang kinky hihihihi!


Nakikita niyo ba? Andami ko ng libro no? Hindi pa yan lahat, yung iba hindi ko na maipatong ng hindi tumutumba. Wala nakong mapaglagyan ng libro pramis. Matagal ko ng naiisipang bumili ng electronic book, yung tipong ida-download mu na lang yung e-book, tapos yung mismong gadget portable. Recently nirelease ng Amazon yung ganitong gadget, coined Kindle 2, nicknamed K2.



Hrrrrrr. Ang ganda pramis! Uhm, bili niyo ko nyan dali! Oy hindi ako nagbibiro ha, ang kakapal ng mga muka niyo bili niyo ko nyan awwww. Pag binili niyo ako nyan sa wakas mawawala na yung problema ko sa dumadami kong libro na walang mapaglagyan. Did you know, that e-reader can hold up to 1500 books? Ohaoha!

Seryoso, bili niyo ko nyan.

Meron dati nabalita sa MySpace ata yun, yung pina-auction niya yung beerginity nya. Papa-auction ko din sana yung sakin kaso wag un, hihihihi. Pero eto pramis, pag binili niyo ko nyang K2 kahit anong gusto niyong ipagawa sakin gagawin ko hihihi.

Take it off, take it off, take it off! Tama ba yung narinig ko, take it off? Okay.


Hayayay! Pag binili niyo ako nung K2 hindi ko na kailangan ng printed books! Ibig sabihin mawawala na yung mga libro jan sa picture na yan, rawr! Makikita niyo yung jombels ko pag nagkataon hihihihi..

Take note, I'm open to suggestions, pag binili niyo ako ng K2 that is :D

Oy seryosong post to ha, click niyo to kung gusto niyo ako ibili :D Click niyo lang yung Add to Cart tapos bayad tapos andun na ung shipping info ko. Andali lang diba? If you're feeling galante ok lang din sakin kung isasabay niyo nakong ibili nung Oberon Design Cover for K2, anjan din yun sa wishlist q :D

Abangan ko ha? Paunahan kayo bilis! :D:D:D

Kung magbigay ako ng instructions kala mo me magbabasa at bibili talaga e nu? Ahahah!

Notes:
Seryoso ang post na to, seryoso din na open ako sa suggestions hrrrrr.


Bong The Third

, , , ,